istorya... istorya.. puro istorya..
home profile gallery links favorites content friends friends of archives

August 20th, 2008

para sa alaala
POSTED AT 02:19 AM in short verses

hindi na kita iniisip, ngunit naaalala parin kita.
madalang na tayo magkita at mag-usap.
dahil gusto natin na ganito muna tayo pansamantala.
dahil ito ang mas makabubuti.

namimiss ko yung mga bagay-bagay,
mga bagay na naging daan upang maging ano tayo ngayon.

tulad ng:

mga salitang sa aking mo natutunan
mga taong nakilala ko ng dahil sa iyo
mga tunog ng gitara na ating pinakinggan
mga palayaw na tinawag natin sa isa't- isa
mga tawanan na tayo lng ang nakakaintindi
mga daan na minsan nating tinahak
mga kuwento na bihagi natin habang kumakain

sa kabila ng lahat
wala akong pinagsisisihan, ni katiting.
dahil naging masaya ako nung kasama kita.
pinaramdam mo sa akin na importante ako,
na may halaga ang bawat sasabihin ko.

at nang makausap kita kahapon,

hindi mo sinasadyang patawanin ako tulad ng dati.
tama ka, nawala na ang hapdi, nawala na ang kirot
pagmamahal nalang ang nagtira,
pagmamahal para sa isang kaibigan..

 **sheet lisuda magtagalog oi.. tsktsktsk wlai jd ko talent..

Currently listening to: how do you do it?
Currently reading: my logs
Currently watching: nothing..
Currently feeling: contemplative

9 someone told a story...


poetfreak requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
Comment posted on August 24th, 2008 at 04:01 PM
wow!!!!ok naman tagalog mo ah.
Comment posted on August 24th, 2008 at 05:21 PM
hahaha maraming salamat po..
Comment posted on August 24th, 2008 at 05:24 PM
ikaw bay may inspirasyon ngayon? at nakasulat ka ng ganito kaganda?
Comment posted on August 24th, 2008 at 05:26 PM
salamat talaga kung nagandahan ka.. oo tama ka, meron nga, and kaisa-isang tao na nagpapagulong ng buhay ko.. :)
Comment posted on August 24th, 2008 at 05:33 PM
Hahaha.Hahaha. maganda yan. madami ka masulat ulet.

gusto ko din magtatagalog. envy envy envy.
Comment posted on August 20th, 2008 at 06:12 PM
ang ganda.
nakaka-relate ako lalo na sa unang linya.
Comment posted on August 20th, 2008 at 06:30 PM
salamat po.. nahirapan ako dyan, hindia ako sanay magtagalog..hehehe

cguro nga parepareho lng tau ng storya sa buhay, ibat-ibat tao lang nag gumaganap sa role.. :)
Comment posted on August 20th, 2008 at 11:20 AM
siguro makakarelate ako dito pagdating ng araw..pag wala na ang sakit...=)
Comment posted on August 20th, 2008 at 06:29 PM
oo darating ka rin dyan pero mahirap ang daan patungo sa i-have-moved-on state.. u have to be strong.. just keep on waking up everyday..

poetfreak
your name:

url:

your message: